Entry: batangas headlines Sunday, February 24, 2008



Airplane Crashes in Batangas

An airplane crashed at a town in Batangas.

MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.

LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!

MEDIA: Ho?

Vehicular Accident in Batangas

MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?

LOLO: Ay uwo! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong na!

MEDIA: 'Sensya na po sa abala.

LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!
 

MEDIA: Ano raw?

HAHA! Ala eh, halos mautas ako sa katatawa dine nung mabasa ko are. Namimiss ko tuloy ang aking probinsya. Yae na at uuwi naman ako ulit sa Agosto ^^.

***

Pagkagaling ko sa simbahan, diretso agad ako kanina sa bangerahan para makapagsigang ng kapeng barako. Habang nagsisigang ay naisip kong magresearch tungkol sa kapeng barako. Are ang aking napagalaman:

Two hundred years ago, the Philippines was one of the world's top coffee producers. Today, the Barako coffee plant is on its way to extinction.

At bilang batanguenong nagmamahal sa kapeng barako, kailangan tumulong sa pagsulong ng kape. Klick nyo ang link sa baba.

Save the Barako! website

   5 comments

kaizen
March 1, 2008   11:04 AM PST
 
NY is such a nice place, ang tataas ng mga tao, hehehe
coach
February 27, 2008   06:20 AM PST
 
coldman, naku baka di ka makatulog pag nakainom nun ^^
coldman
February 26, 2008   01:37 PM PST
 
di pa ako nakakatikim ng kapeng barako!

Padala ka namn dito! dyuk.
coach
February 25, 2008   11:39 AM PST
 
salamat. sarap ng kapeng barako kapag sobrang lamig ang panahon ^^. musta ang NY?
kaizen
February 25, 2008   09:01 AM PST
 
suportahan ang kapeng barako!!! mabuhay ikaw at si ycel!!!

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments