 |
|
Friday, February 08, 2008
lunar new year 
Matagal na rin palang di ko ako nakakasulat dine sa aking blog. Malimit madami trabaho kaya wala oras magsulat o minsan naman tinatamad laang. Pero ngayon, dahil wala kaming pasok mula nuong miyerkules hanggang sa linggo dahil nag lunar new year, narine ulit ako para magupdate ng aking blog. Pasensya na kung walang kawenta kwenta ang aking sasabihin kaya para di masayang ang oras mo wag mo na lang basahin.
Dine sa South Korea ay nagdaraos ngay-on nga Seollal (Lunar New Year). Tradisyon nila nag magkitakita ang buong pamilya. Pero wala ako ideya kung ano ang ginagawa nila, kasi di pa ako nakakadalo sa ganuong pagtitipon, wala kasing nagiimbita sa akin, wala kasi akong korean family. Hindi ko alam kung kumakain ba sila ng tikoy tulad ng mga intsik, pero sigurado meron kimchi. Kapag naubos ang kimchi sa mundo baka maextinct ang mga 'yano.
Dahil seollal, tatanda na naman ako ng isang taon, + 2 na naman ako sa aking tunay na edad. Ang Korean age kasi ay laging +1 sa kung ilang taon ka sa Pinas. Pero kapag bagong taon sila nagadd ng 1 taon sa edad nila hindi sa totoong kaarawan. Magulo? Heto ang halimbawa. Ang kaarawan ko ay April 7, ibig sabihin, kung 18 na ako sa edad ko sa pinas, 19 ang Korean age ko nuong martes. Pero dahil nag new year dito nung Miyerkules, 20 na ako. Sa darating na April 7, hindi ko na kailangan magdagdag ng isang taon, sa susunod na seolal na ulit. Ang gulo no? Wag nyo nang intindihin, hindi naman yan Math question.
Ano ang pinagkakabalahan ko sa limang araw na ito? Wala ng hihigit pa sa pagkain sa mga ganitong okasyon. Nuong Martes ng gabi narito sa apartment ko si aims, napo at jovy, nagluto kami ng nilagang baka. P**a! Ang mahal ng baka dito. Kalahating kilong baka umabot ng 20K won, nasa isang libong piso. Ginto pala dito ang baka. Di ko naimagine na ganun kamahal, alam ko dati mahal nga ang beef dito pero since first time ko mamaraka ng baka, nuon ko lang nalaman ang tutuong presyo. Pero di bale na, at least makakakain kami ng Pinoy food. Tapos nuong miyerkules, sa bahay ng isa namin kasamahan sa church kami nagdiwang ng seollal. Ang sarap sarap ng grilled chicken, lumpia at chopseuy. Tapos andun ako hanggang lunch kinabukasan, steamed shrimp at escabeche naman ang aming kinain. Sarap sarap. Alis ako ng maaga dun kasi kelangan ko magprepare, inimbitahan ko kasi ang kasama ko dito (hindi lahat yung kakasya lang sa maliit kong apartment) para sa isang masayang hapunan. First time kong maginvite at magluto para sa iba. Tinola ang aking hinanda. Syempre since di ako marunong magluto, andyan lagi si jovy at aims para alalayan ako, kailangan gawin ang bawat instruksyon nila kundi lagot ang kakalabas ng tinola, malamag maging la-tino ang tinola ko. Parang gusto ko ng sumuko sa cooking lesson ko from jovy, nakakapressure, di ko alam paano nila nalalaman kung ano ang kulang sa niluto, tantya ko tama na pero sila ni aims alam kung kulang pa ng asin. Pero sana makuha sa praktis. Pero very good naman daw ako sabi ni titser jovy. Tapos ngayon puro tira kagabi ang aking nilapang. May dalawang araw pa ako para ienjoy ang bakasyon.
Hayan lang muna ang update, Sae hae bok manhi badeuseyo sa inyong lahat.
Maraming salamat kay jovs at aims sa pagtulong sa akin kahapon.
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 08:24 pm
Permalink
Sunday, January 20, 2008
4th Geoje-do Penguin Festival 
Kahapon ay dumalo kami ng 4th Geoje-do Penguin Festival. Walang penguin dito. Pero bakit tinawag na penguin festival kung walang penguin? Dahil ang main event ay ang maligo sa napakalamig na dagat (winter ngayon dito) at manghuli ng isda tulad ng mga penguin. Patatagan sa lamig ang labanan dito. Kung ako nga sobrang kapal ng suot ko, giniginaw pa rin ako, e yun pa kayang mag swimming trunks ka lang at maligo sa dagat, malamang mamatay ka sa lamig. Para sa mga larawan, tingnan ang multiply ni silverjegs.
Heto ang larawang ng umagaw pansin sa akin. Ano kayang language ito, pwede pakitranslate, kala ko kasi english eh.

Nakasulat sa likod: "the olie athletic shide, the namesake of its producer, the is the result of a upon of the most advenced design, highest ouality materals. and finest workmanship."
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 06:47 pm
Permalink
Saturday, January 12, 2008
I DO... 

Bogz, Reg, Hannel, Nans at Togz (Larawan mula sa Multiply ni Togz). Crossed out na rin si Reg kanina, ikaw na Togz ang next in line hehehe.
Unti unti nang nangangaubos ang single sa G-11 block ng batch '97 sa isang unibersidad na nagdiriwang ngayong ng ika-100 taon ng pagkakatatag. Kung dati-rati ay papaano makakatres sa mga EE subjects ang inaatupag namin, aba nga naman, ngayon puro pagpapakasal ang pinagkakabalahan.
Unang nakasal si Nans nuong Disyembe 22, 2006. Isang taon ang makalipas, nuong isang buwan lang, Disyembre 8, nagpatali rin si Hannel. Di nagpahuli si Bogz nuong Disyembre 22. At kanina lang si Reg naman.
Kay bilis nga naman ng panahon, mahigit 10 taon na rin ang nakalipas nuong magkakilala kami sa freshmen block namin. Nakakatuwa sapagkat kahit na dekada na ang lumipas, kahit papaano ay nagkakasama sama at nagkakausap usap pa rin kami. Sa bawat uwi ko sa Pinas, di maaaring di magkakaroon ng pagkikita-kita. Di man palagi kumpleto, ang mahalaga ay nagkakabalitaan kami sa isat isa. Tulad na lang nitong nakaraang Pasko, nagkita-kita kami bahay nina Nans. Kainan, inuman, kodakan (este canon-an at nikon-an pala) at maraming kwentuhan. Narami man ang wala pero may mga nadagdag, yung kanilang mga kabiyak. Nakakatuwa. Napakasaya. Sana lagi maulit ang mga ganitong pagkikita kita, kahit na may mga sari-sarili nang responsibilidad sa kanya kanyang pamilya.
Matapos si Reg, sino kaya ang susunod na mag-a-ay-du? Ikaw ba Togz? Malamang magkakapanganay ka muna. Si Papa Law? Posible, may Mich na eh. Si Prop kaya? Hindi pa siguro, busy pa sa magic card. Si Loy? Mukhang malapit na! Si Laya? Di nagpapramdam eh. Si Locar ba? Absent din palagi eh. Si Mel? Ayaw pa ba magpropose? Ako? Hmmmm...Pass... Next person please...
PS. Kung sino man ang susunod sa inyo, itaon nyo na makakauwi ako para makadalo ako sa araw na yun. Kung di man, iemail nyo na lang ang bank account nyo para makadalo si Ninoy. HAHAHA.
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 10:58 pm
Permalink
Sunday, January 06, 2008
12 days of christmas 
On the first day of christmas (dec 22), dumating ako sa Pinas, napagod sa byahe.
On the second day of christmas, pagkagising ng linggo, nakipaghuntahan sa pamilya.
On the third day of christmas, nakipagtagpo kay A, breakfast sa tapa king.
On the fourthday of christmas (dec 25), family reunion, ubos ang pera ko.
On the fifth day of christmas, usapan namin ni jovy, hapunan sa banay banay.
On the sixth day of christmas, mineet ang mga friends, huntahang walang humpay.
On the seventh day of christmas, pumunta ng bar, sayaw hanggang umaga.
On the eight day of christmas, kasama UP friends, barik at lasingan.
On the ninth day of christmas, starbucks kami ni A, planning for 2008.
On the tenth day of christmas, bili ng pasalubong, dyus ko haba ng pila.
On the eleventh day of christmas (jan 1), habang nagpupukan, empake ng gamit.
On the twelveth day of christmas, balik ng korea, bukas trabaho na naman.
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 07:09 am
Permalink
Monday, December 10, 2007
i hate monday 
'Ka ko baka next year na ako makapagpost dine sa blog ko, pero dahil sa nangyari ngay-on araw na are, kelangan ko ilabas ang sama ng aking paki-lasa. Mantakin nyo ga naman, ka-agang-aga eh nawala ang walet ko, nagpatak ata sa loob ng bus na sinakyan ko eh. Karibok na ako nuong malamang kong nawawala eh. Kahalaga pa naman ng laman ng aking pitaka. Kasamang nawala ang BPI atm at credit cards ko, ano na laang ang gagamitin ko sa Pinas pag uwi ko. Nawala rin ang Kookmin bank Atm ko, ano gagamitin ko dito pag kelangan ko ng cash dine. Dagos ako kanina sa paglipat ng laman ng banko ko sa account ng kaibigan ko at baka magamit ng nakapulot ang card ko bilang debit card, dine pa man di sila ganun kahigpit. Anduon din ang susi ng apartment ko, paano na lang kung halang ang bituka ng nakapulot at pasukin nya apartment namin at ako'y pagsamantalahan, wala pa man din akong kalaban laban. Tapos tanungin ako kung Pera o Puri, syempre P.... pera ang ibibigay ko kesa sa dangal ko ang mawala. Tumataginting na 100,000 won din ang kasamang nawala. Limang libong piso din iyun, maraming sikmura ang mapapakain nun sa Pinas. H'yaeh na yun, pera laan iyon, mabilis kitain, pero ang ipinuputok ng aking butsi ay kasamang nawala ang picute ni... este ang alien registration card ko. Buhay ko yun dito sa korea. Di ako makakagala ng di ko dala yun. Mali pa ang timing kasi uwi na ako next week, paano kung di agad mapalitan yun di na ako makakauwi kasi kailangan ko iyon para muling makapasok ng korea. Hay buhay. Sana maayos ko are hanggang next week, ala eh kung hindi, eh dine na ako magpapasko.
Ala'y sana bukas maging maganda ang araw ko, sana kung sino nakapulot ng walet ko ay isauli sa akin. Naniniwala pa rin akong mabababait ang mga koreano.
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 06:30 pm
Permalink
Sunday, December 09, 2007
i'll be home for christmas 
Ala eh, pasensya na at di ako nakakapagpost dine sa blog ko. Lagi na laang may problema ang page na are. Ayaw mag-load eh. Bukod duon eh napakaabala ko ngay-on, kadaming trabaho, apat na drawing ang kailangan ko isabmit bago magbakasyon. Araw araw na laang ay karibok ako. Kaya malamang nire ay sa susunod na taon na laang ulit ako makapag-update. Kaya ngay-on pa laang ay gusto ko na kayong batiin ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. Alagaan nyo ang puso nyo sa pasko, iwas muna sa lechon. Alagaan din ninyo ang mga daliri nyo at baka maputukan.
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 05:53 pm
Permalink
Thursday, November 29, 2007
winter sonata 
Ala eh, official na! Winter na nga dine sa Korea. Aba'y nitong nakaraang gab-i'y pumatak na ang snow duon sa Seoul. Nuong nandiyan pa ako sa Pinas, ala'y gusto ko makaranas ng white Christmas, pero nito laang nakaraang winter, first time ko are maranasan, eh pagkakalamig pala. Nuong una eh parang kasaya pero makadaan ang tatlong araw ay halos isumpa ko eh, kasama ng lasa. Ngayon ayaw ko na ng winter, mas gusto na ang mabanas na Pasko. Alam mo gang ang winter dine sa Korea ay sobrang dry ng hangin. Kung ano-anong sakit ang lumalabas sa flawless kong skin eh, nagda-dry, nagpuputok ang labi at nagdudugo ang ilong eh, kasama talaga ng lasa eh, ala eh'y parusa talaga. Tapos maya't maya ay nakukuryente ako dahil sa static. Di laang iyun, kataas pa ng bill namin sa kuryente at sa gas eh. Di ka pa makaporma dahil ang kapal ng suot. Kahirap pang maligo sa umaga. Nakaka-miss tuloy ang Pinas, haya eh na't malapit na naman ako magbakasyon.
note: ala eh, naengganyo akon magsulat sa Batangueno, lumabas kasi ang punto at mga kalalalim na Tagalog mula ng may makasama akong kababayan dine sa trabaho ko ^^, susubukan kong magsulat lagi sa ganireng format.
Are na nga ang sagot ko sa tag ni kalansay (<-iklik mo para sa detalye). Aba eh pasensya na kung not following instruction ako, sayang ang espasyo eh.
APRIL: Active and dynamic (ako talaga ay passive, di kita kakausapin kung di ka mauunang makipagusap). Decisive and hasty but tends to regret (pitong put pitong ulit ako magisip bago makadeside, kung sino sino pa ang kukulitin kung tama ga ang gagaw-in). Attractive and affectionate to oneself (Tumpak!). Strong mentality (kelangan na ata akong ipasok sa Mandaluyong, pranuknok kasi ako). Loves attention (kunwari ayaw ko pero deep inside OO) . Diplomatic (konti lang). Consoling, friendly and solves people¡¯s problems (Friendly talaga ako). Brave and fearless (Ala eh! hindi). Adventurous (Minsan laang). Loving and caring (Abay uu naman). Suave and generous (sobra). Emotional (madrama din ako). Aggressive (passive nga eh). Hasty (hindi naman). Good memory (mas gusto ko magsaulo ng formulas). Moving (?). Motivates oneself and others (Ako lang sa sarili ko). Sickness usually of the head and chest (healthy ako dyan). Sexy in a way that only their lover can see (Malamang ^^).
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 10:32 pm
Permalink
Thursday, November 22, 2007
korean name 
Nareceive ko ito mula sa email. Since wala ako masulat at uso naman ngayon ang Koreans, patulan ko na rin.
Surname : Korean surname is the last number in your year of birth. - 0: Park - 1: Kim - 2: Shin - 3: Choi - 4: Song - 5: Kang - 6: Han - 7: Lee - 8: Sung - 9: Jung
II. Middle name : is your month of birth . - 1: Yong - 2: Ji - 3: Je - 4: Hye - 5: Dong - 6: Sang - 7: Ha - 8: Hyo - 9: Soo - 10: Eun - 11: Hyun - 12: Rae
III. Name : is your date of birth . - 1: Hwa - 2: Woo - 3: Joon - 4: Hee - 5: Kyo - 6: Kyung - 7: Wook - 8: Jin - 9: Jae - 10: Hoon - 11: Ra - 12: Bin - 13: Sun - 14: Ri - 15: Soo - 16: Rim - 17: Ah - 18: Ae - 19: Neul - 20: Mun - 21: In - 22: Mi - 23: Ki - 24: Sang - 25: Byung - 26: Seok - 27: Gun - 28: Yoo - 29: Sup - 30: Won - 31: Sub
" My KoReAn NaMe Is Park Hye Wook"
Ganito basahin in Korean ang pagalang iyan: Pak-Hye-Uk. Pag tinawag ako sa ganitong pangalan, mapapalingon agad ako at mag-rereply ng Pak-Hye-Uk too! (with hand gesture).
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 08:28 pm
Permalink
Sunday, November 18, 2007
thank you po 
Our father in heaven, maraming salamat po sa tagumpay ng aming international dinner festival sa church. Marami pong dumalo. Nag-enjoy po ang lahat. At naging maganda po ang aming performance. Anumang papuri po ang nakuha namin sa aming ginawa ay muli po naming ibinabalik sa inyo. Para po lahat sa inyo ang kanta at sayaw na aming ginawa kagabi. In Christ name. Amen.
kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 08:29 am
Permalink
Saturday, November 17, 2007
bird watching 
Since napag-uusapan na ng mga ka-blog ko ang tungkol sa mga birds ^^, makikisali na rin ako. Nuong nagpunta kami sa Isudo, di lang pala isda ang aking makikita. Marami rin mga ibon (albatross) ang namumugad dun kaya nag-bird watching din ako. Gamit ang bago kong kamera, heto ang mga nahuli kong mga ibon ^^ (multiply ko para sa iba pang larawan).
Kung nabaggit ko na para akong isda, ngayon naman sinasabi kong nais kong maging tulad ng mga ibon. Malaya. Lumilipad. Malayo ang nararating. Marami nakikita. Umiiyak kapag kinukulong.


kotz' lost soul lurks in subconsciousness at 10:05 am
Permalink
|
|
|
|
 |
|
|
I close my eyes and I see you. When I'm with you its like living a dream, a dream that I always want to cherish. My life will never be the same without you. I love you and you know that I'm living a dream that is now real because of you. --- A. S. Manarin
05:01:20pm 11-08-2004
Drop-a-Tag
|
|
|
 |