Amang nasa langit, sa sandali pong ito, nais ko pong ialay sa inyo ang aking kaibigan na si Loy na ngayon ay nahihimlay na kasama Nyo. Alam po naming masaya na sya dyan sa piling Nyo. Maraming salamat po sa sandalin nakasama namin sya. Bagamat alam po naming naging maikli lang ang kanyang paglalakbay sa mundong ito, alam po naming narating nya ang kanyang destinasyon at natapos ang kanyang misyon. Di man po namin alam ang dahilan kung bakit naging maaga ang kanyang paglisan, nagtitiwala po kami na may maganda kayong plano pa sa kanyang mga naiwan. Alam po naming masakit ito para sa mga nagmamahal sa kanya na kanyang naiwan, kaya Ama hinihiling ko ang lakas, tibay ng loob at pananalig para kanyang pamilya at kaibigang naiwan upang malampasan at makaabon sa bundok ng kalungkutan at pangungulila. In Jesus name. Amen.