Airplane Crashes in Batangas
An airplane crashed at a town in Batangas.
MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.
LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!
MEDIA: Ho?
Vehicular Accident in Batangas
MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?
LOLO: Ay uwo! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong na!
MEDIA: 'Sensya na po sa abala.
LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!
MEDIA: Ano raw?
HAHA! Ala eh, halos mautas ako sa katatawa dine nung mabasa ko are. Namimiss ko tuloy ang aking probinsya. Yae na at uuwi naman ako ulit sa Agosto ^^.
***
Pagkagaling ko sa simbahan, diretso agad ako kanina sa bangerahan para makapagsigang ng kapeng barako. Habang nagsisigang ay naisip kong magresearch tungkol sa kapeng barako. Are ang aking napagalaman:
Two hundred years ago, the Philippines was one of the world's top coffee producers. Today, the Barako coffee plant is on its way to extinction.
At bilang batanguenong nagmamahal sa kapeng barako, kailangan tumulong sa pagsulong ng kape. Klick nyo ang link sa baba.
