One of the reason that makes wonderful Korea wonderful are the flowers especially in spring time. Yesterday, I went to Neungpo Rose Festival, just across my apartment. Here are variouse colors of roses that I took.
While walking home, I came across these wonderful scenes: LNG carriers lighted up in the seas, post lighting road going to rose garden, the road going the main road and the light of downtown Neungpo where I live.
Nuong Abril 26 nitong taong ito, nagkaroon kami ulit ng presentasyon sa simbahan. Nakasayaw na kami ng Pinoy traditional dance, modern, worship, interpretation, children at nagkaroon na rin ng audio visual performance. Para maiba naman, isang indonesian traditional dance naman ang aming inihanda.
Nitong nakaraang Sabado de Gloria, binisita namin nina Tom, Jovy, Ezer at Egay ang lahat ng Catholic Church dito sa isla ng Koje. Anim lahat ang simbahan dito - Jisepo, Jangseungpo, Jangpyeong, Kuhyeon, Geoje at Okpo. Nakapost sa multiply ko ang larawan ng bawat simbahan. Sundan ang link sa baba.
Nitong nakaraang linggo ay nagkaroon ng special worship sa church na nakafocus sa mga Pinoy dito sa Koje. Since nakasayaw na kami ng folk, modern at interpretative, nakakanta at kombong sayaw at kanta, naisip ni carlo na para maiba ay AVP ang aming gawin. Gumawa kami ng video tungkol sa aming mga experiences dito sa Korea. Unang bahagi ay kung paano kami nagkasamasama sa church, ikalawang bahagi ay tribute sa mga dating myembro na umalis na ng Korea at ikatlo ay tungkol sa mga kasalukuyang miyembro. Sobrang saya habang ginagawa namin ng video kasi parang nanumbakik kami sa college days na gumagawa ng isang school project. Heto ang finish product. Sana maenjoy nyo.
Amang nasa langit, sa sandali pong ito, nais ko pong ialay sa inyo ang aking kaibigan na si Loy na ngayon ay nahihimlay na kasama Nyo. Alam po naming masaya na sya dyan sa piling Nyo. Maraming salamat po sa sandalin nakasama namin sya. Bagamat alam po naming naging maikli lang ang kanyang paglalakbay sa mundong ito, alam po naming narating nya ang kanyang destinasyon at natapos ang kanyang misyon. Di man po namin alam ang dahilan kung bakit naging maaga ang kanyang paglisan, nagtitiwala po kami na may maganda kayong plano pa sa kanyang mga naiwan. Alam po naming masakit ito para sa mga nagmamahal sa kanya na kanyang naiwan, kaya Ama hinihiling ko ang lakas, tibay ng loob at pananalig para kanyang pamilya at kaibigang naiwan upang malampasan at makaabon sa bundok ng kalungkutan at pangungulila. In Jesus name. Amen.
LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!
MEDIA: Ho?
Vehicular Accident in Batangas
MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?
LOLO: Ay uwo! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong na!
MEDIA: 'Sensya na po sa abala.
LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!
MEDIA: Ano raw?
HAHA! Ala eh, halos mautas ako sa katatawa dine nung mabasa ko are. Namimiss ko tuloy ang aking probinsya. Yae na at uuwi naman ako ulit sa Agosto ^^.
***
Pagkagaling ko sa simbahan, diretso agad ako kanina sa bangerahan para makapagsigang ng kapeng barako. Habang nagsisigang ay naisip kong magresearch tungkol sa kapeng barako. Are ang aking napagalaman:
Two hundred years ago, the Philippines was one of the world's top coffee producers. Today, the Barako coffee plant is on its way to extinction.
At bilang batanguenong nagmamahal sa kapeng barako, kailangan tumulong sa pagsulong ng kape. Klick nyo ang link sa baba.
Habang abala ang lahat sa pagdiriwang ng araw ng mga puso, nais kong ibahagi sa inyo ang isang pagmamahal na di dapat natin kalimutan ngayong Valentines day; ito ay ang pagmamahal sa ating Inang Bayan.
Paano natin maiipapakita ang ating pagmamahal sa Pilipinas? Tyempong kakatapos ko lang ngayong araw na ito basahin ang libro kung paano nating mamahalin (matutulungan) ang ating bansa. Nais kong ibahagi ito sa inyo:
12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country by Alexander L. Lacson
1. Follow traffic laws. Follow the law. 2. Whenever you buy or pay for anything, always ask for an official receipt. 3. Don't buy smuggled goods. Buy local. Buy Filipino. 4. When you talk to others, especially foreigners, speak positively about us and our country. 5. Respect your traffic officer, policeman and soldier. 6. Do not litter, dispose of your garbage properly. Segregate. Recycle. Conserve. 7. Support your church. 8. During elections, do your solemn duty. 9. Pay your employees well. 10. Pay your taxes. 11. Adopt a scholar or a poor child. 12. Be a good parent. Teach your kids to follow the law and love our country.
Di na natin kailangan barilin sa plaza para ipakitang mahal natin ang ating bansa. Simpleng simple lang, ngayong Valentine's day tiyaking humingi ng resibo sa bawat bulaklak at tsokolateng bibilhin. Napasaya mo na ang iyong mahal, nakatulong ka pa sa bayan.
Maraming salamat sa awtor na si Alexander Lacson sa pagbabahagi ng 12 maliit na paraan para mahalin ang bayan. Maraming salamat din kay sisterhood Jovy sa pagpapahiram sa akin ng aklat.
I close my eyes and I see you. When I'm with you its like living a dream, a dream that I always want to cherish. My life will never be the same without you. I love you and you know that I'm living a dream that is now real because of you. --- A. S. Manarin 05:01:20pm 11-08-2004 Drop-a-Tag